Kung aalukin ka ng trabahong may sahod na aabot ng milyon, tatanggapin mo ba kahit nakakatakot?
Ganito ang trabaho ng mga nag-aayos ng wind turbine. Ayon sa becomeopedia, kumikita ang wind turbine technicians ng hanggang $100,000, o tumataginting na P5.5 million, kada taon sa United States.
As expected, hindi madali ang trabaho ng wind turbine technician dahil para ito sa mga taong may matitibay na loob at walang fear of heights.
Una, papasok ang mga technician sa loob ng turbine mula sa bottom level. Kailangan nilang akyatin ang isang hagdang aabot sa 360 meters, o kasing taas ng 35-story building, gamit lang ang kanilang kamay at safety harness na nakatali sa kanilang bewang.
Kung wala silang makitang problema sa loob, ibig sabihin, nasa external blades na ang isyu. Kapag nasa taas na sila at na-secure na ang safety rope mula sa turbine outlet, kailangang pukpukin ang casing ng turbine gamit ang maliit na martilyo.
Depende sa sound feedback, maaaring maayos on the spot ang mga maliliit na isyu. Kung malala na ang problema, kailangan itong i-report agad.
Kadalasang dalawang tao ang nagtutulungan sa pag-aayos ng wind turbine. Sa ganitong paraan, mabilis na makikita at maaayos ang problema at maiiwasan ang aksidente.
Ayon sa experienced professionals, kahit malaki ang kinikita rito, wala naman silang masyadong oras para gastusin ito.
Pero ikaw, kaya mo bang subukan ang pagiging wind turbine technician?