Madaragdagan ng mahigit dalawandaan at limampung libong piso (P250,000) ang buwanang sahod na tinatanggap ng Pangulo ng Pilipinas.
Ito ang nakasaad sa Salary Standardization Law of 2015 na isinumite ng Malacañang sa Kongreso.
Mula sa kasalukuyang P120,000 ay magiging tatlongdaan at walumpu’t walong libo at siyamnapu’t anim na piso (P388,096) na ang buwanang sahod ng Pangulo ng bansa.
Maliban sa Pangulo, tataas na rin ang tinatanggap na suweldo ng iba pang miyembro ng gabinete gayundin si Vice President Jejomar Binay.
By Jaymark Dagala