Kulelat ang Pilipinas pagdating sa sahuran sa mga mangggawa mula sa iba’t ibang sektor.
Ito ang binigyang diin ni Labor Lawyer and Federation of Free Workers Head Sonny Matula matapos ipinapanukala sa senado ang P100 dagdag-sahod sa mga manggagawa.
Sa panayam ng DWIZ, ikinumpara ni Attorney Matula ang sahod ng mga empleyado sa mga kalapit bansa gaya ng Indonesia na aabot na sa P800 ang arawang sahod.
Ipananawagan ng abugado sa mga mambabatas na repasuhin ang taas-sahod para sa mga manggagawa, sa halip na tutukan ang Charter Change.