Kakampi ang Pilipinas sa Amerika sakaling may Pilipinong madadamay sa kaguluhan sa Middle East.
Ito ang sinabi ng Pangulo sa gitna ng namumuong tensiyon sa pagitan ng Iran at Amerika.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi mauupo lamang ang Pangulo sakaling may Pilipinong masasaktan sa kaguluhan.
Pagsasabi rin anya ito na hindi dapat madamay ang mga manggagawang Pilipino sa away ng naturang mga bansa.
Kabilang ang Pilipinas sa pinakamatagal nang kaalyado ng Amerika sa Asya.
Una nang inatasan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawa niyang opisyal na magtungo sa Middle East upang pangunahan ang repatriation ng mga Pilipino doon.