Karamihan ngayon sa mga pilipino ang nakakaranas ng pagkastress dahil sa pang araw-araw na pamumuhay partikular sa mga edad labing pitong taong gulang pataas.
Karamihan sa nakakaranas ng stress ay nagkakaroon ng epekto sa kalusugan kabilang na dito ang pagkalagas ng buhok, pagkakaroon ng sakit sa puso, ulcer at pananakit ng katawan.
Huwag nang mag-alala dahil mayroon nang solusyon upang maiwasan ang pagkastress na nararanasan ng isang tao.
Narito ang ilang mga healthy tips:
- Mag stretch ng katawan mainam din ang pag-exercise at paglalakad.
- Kumausap ng positibong kaibigan.
- Huwag magpanic o mag-isip ng negatibong bagay
- Panatilihin ang pagrerelax sa sarili.
- Iwasan ang sigarilyo, alak at iba pang bisyo.
- Makinig ng music at magpahinga.
- Kumain din ng sapat na pagkain o subukan ang mediterranean diet. — Sa panulat ni Angelica Doctolero