Nananatiling misteryoso ang sakit na kumapit sa mga alagang baboy sa ilang barangay ng Rodriguez, Rizal.
Ayon kay Noel Reyes, spokesman ng Department of Agriculture (DA), bagamat may resulta na ang pagsusuri ng lokal na laboratoryo, nais muna nilang antayin ang kumpirmasyon ng international laboratory sa Europe dahil yun ang requirement ng World Animal Health Organization.
Tumanggi rin si Reyes na isapubliko ang mga lugar kung saan posibleng umiiral ang sakit upang maiwasan ang panic na maaaring maka apekto sa industriya ng hog raising.
Lahat rin anya ng naapektuhang alagang baboy ay pinatay na at ipinalibing nang naaayon sa Animal Welfare Act.
Sa ngayon anya ay ipinaiiral na ng DA ang 1-7-10 protocol kung saan walang makakapasok at makalalabas na alagang baboy sa 1-kilometer radius ng mga barangay na unang nakitaan ng sakit, surveillance at testing ng mga hayop sa 7-kilometer radius at mandatory disease reporting sa 10-kilometer radius.
Kasi baka magkaroon ng scare doon sa lugar na iyon at dagsain ng media at kasi mismo sa ground zero, bawal ang pumasok kasi magiging carriers lang sila ng kung anumang virus o pathogen ang tawag nila. Hindi ito nakakahawa sa tao, pero nakakahawa siyempre sa mga baboy. Pineprevent natin yung gano’n,” ani Reyes.
Balitang Todong Lakas Interview