Patuloy na nagkakasa ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Manila Bay Dolomite Beach at Baseco Beach.
Ito’y matapos mahakot ang sako-sakong basura matapos ang pananalasa ng bagyong Karding.
Habang walang tigil ang mga tauhan ng Manila Department of Public Service para tuluyan ng matanggal ang mga basura sa Baseco beach.
Nabatid na dahil sa nasabing bagyo at ilang araw na pag-uulan, lumutang ang iba’t-ibang klase ng basura tulad plastic, mga sirang kahoy o gamit at iba pa sa mga nabanggit na beach.