Nakatakdang i-turn over sa NMIS o National Meat Inspection Services ang sako-sakong kinatay na aso na nasabat sa isang checkpoint sa Longlong, La Trinidad, Benguet.
Sinabi ng La Trinidad PNP o Philippine National Police na naka-amoy sila ng kakaiba mula sa mga sakong sakay ng isang pick up na kanilang pinahinto para inspeksyunin.
Ayon sa mga otoridad, tumambad sa kanila ang mga nakatay na aso na wala nang mga lamang loob.
Dahil dito, inaresto ng mga otoridad ang driver ng sasakyan na si Elvis Salagan Darisan na taga Cavite subalit tubong Apayao at kasamahan nitong si Ray Medina Malecdan ng Sagada at residente ng Baguio City.
By Judith Estrada – Larino