Kinilala ng Philippine National Police ang 3,226 na pulis na nagsilbi bilang United Nations peacekeepers mula 1992 hanggang sa kasalukuyan kasabay ng paggunita ng 2022 International Day of UN Peacekeepers.
Mismong si PNP officer in charge PLT. General Vicente Danao Jr. ang nanguna sa pagpaparangal sa na nasabing mga pulis na isinagawa sa camp crame kahapon.
“People, peace, progress. The power of partnerships,” ang tema para sa taong ito.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Danao na sa panahon ngayon ay walang mas mahalaga pa sa pagtiyak ng kapayapaan sa bansa, rehiyon, at sa buong daigdig.
Hinimok naman ni Danao ang mga pulis na patuloy na magkaisa sa layuning gawing ligtas at maunlad ang buong mundo para sa lahat.—mula sa ulat ni GILBERT PERDEZ (Patrol 13)