Naaagnas na nang matagpuan sa loob ng isang balon ang sakristang dalawang linggo nang nawawala sa balasan sa Iloilo.
Kinilala ang biktima na si Joshua Bandojo, 19-anyos, may problema sa pag-iisip at residente ng Batuan sa nasabing bayan.
Ayon kay Police Staff Sergeant Ramon Elambre, imbestigador ng Balasan Municipal Police Station, dalawang linggo nang pinaghahanap ang lalaki dahil hindi naman nagpaalam sa kaniyang pamilya.
Nakita ng isang magsasaka ang katawan ng biktima nang iigib ito sa isang balon.
Palaisipan naman sa pulisya kung paano napunta sa balon ang biktima.
Madalas tumulong sa simbahan si Elambre at wala umanong kaaway sa lugar.