Isinapubliko ng Korte Suprema sa kauna-unahang pagkakataon ang mga Statement of Assets, Liabilities and Networth o SAL-N ng mga mahistrado ng High Tribunal para sa taong 2014.
Lumabas na naitalang pinakamayamang mahistrado si Associate Justice Francis Jardeleza na nakapagtala ng mahigit P244 na milyong pisong networth
Sumunod naman dito si Associate Justice Mariano del Castillo na nakapagtala ng mahigit P130 milyong pisong networth na mas mataas kumpara noong 2013.
Bumaba naman ang networth ni Senior Associate Justice Antonio Carpio na nakapagtala ng mahigit P83 milyong piso mula sa dating mahigit P84 na milyong piso noong 2013.
Habang si Associate Justice Marvic Leonen naman ang naitalang may pinakamababang networth batay sa kaniyang SAL-N na nagkakahalaga ng mahigit P2 milyong piso.
Tumaas din ng kalahating milyong piso ang networth ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na nasa mahigit P19 na milyong piso gayundin si Associate Justice Diosdado Peralta.
Tumaas din ang networth nila Associate Justices Teresita Leonardo de Castro at Presbitero Velasco habang bumaba naman ang kay Associate Justice Lucas bersamiN gayundin kay Justice Arturo Brion.
By Jaymark Dagala