Nagpaliwanag si outgoing DICT o Department of Information and Technology Secretary Rodolfo Salalima sa kanyang naging pasya na magbitiw sa tungkulin.
Sa kanyang ipinatawag na emergency meeting kasama ang mga kawani ng DITC, sinabi ni Salalima na katiwalian at mga pakikialam sa kanyang tungkulin ang dahilan ng kanyang pagbibitiw.
Paliwanag ni Salalima, hindi nasunod ang kasunduan nila ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat walang korapsyon at walang panghihimasok bago niya tanggapin ang pagiging kalihim ng DITC.
Binanggit din ni Salalima ang pressure na naramdaman dahil sa mga humihingi ng pabor sa kanya at kanyang tinanggihan.
Kasabay nito, humingi ng paumanhin si Salalima sa mga empleyado ng DITC dahil sa hindi pagpapaalam at biglaang pasya na magbitiw sa puwesto.
—-