Ipinayo ng ilang eksperto na mas mainam na magsuot ng salamin sa halip na gumamit ng contact lenses ngayong may banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Paliwanag ng American Academy of Ophthalmology, kapag nakasuot ng salamin ay mas maiiwasan ang paghawak sa mata kumpara kung nakasuot ng contact lenses.
Sinasabi kasing isa ang mata sa posibleng pasukan ng virus lalo na at kung minsan ay hindi ito naiiwasang mahawakan.
Nagsisilbi rin umanong panangga ang salamin laban sa respiratory droplet.