Tiniyak ng Department of Budget and Management (DBM) na may salary adjustment sa hanay ng mga kawani ng gobyerno sa 2023.
Ayon sa ahensya, kukunin ang 2023 salary adjustment sa last tranche sa bisa ng Republic Act No. 11466 o ang Salary Standardization Law 5 na ipatutupad sa susunod na taon.
Paliwanag ng DBM, kailangang dumaan sa legislative measure ang anomang pagtaas sa suweldo ng mga government employee.
Sa oras anila na maihain ang bill sa kapwa mataas at mababang kapulungan ng kongreso, magbibigay ang ahensya ng komento at rekomendasyon ukol dito.
Samantala, ginawa ng DBM ang pahayag sa gitna ng hirit ng ilang unyon mula sa pampublikong sektor na itaas ang minimum salary ng mga nagtatrabaho sa gobyerno.