Tumaas ng 58.8% ang salary-based consumer loan nitong Setyembre, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Batay sa data, lumaki sa 117.39 billion pesos noong Setyembre 2022 mula sa 74.86 billion pesos sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Ayon sa BSP, patuloy ang pagpapalawak sa pagpapautang at sapat na liquidity upang makabawi sa ekonimiya at domestic demand.
Lumago aniya sa 20.5% noong September ang mga pautang sa mga consumer mula sa 18.3% noong Agosto.
Hinimok naman ng BSP ang pagtaas ng pautang taon-taon kabilang ang credit card, motor at mga pautang sa pagkonsumo na nakabatay sa sweldo para sa pangkalahatang layunin. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla