Makakatanggap ng umento sa sahod ang mga kumikita ng minimum wage sa gitnang Luzon.
Ito’y makaraang magpalabas ng wage order ang regional Tripartite Wages and Productivity Board na nagkakaloob ng P20 dagdag-sweldo na epektibo sa susunod na buwan.
Saklaw ng kautusan ang mga minimum wage earners sa Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Zambales, at Aurora.
Ayon sa regional wage board, ang wage hike ay ibinatay sa resulta ng mga pag-aaral sa umiiral na socio-economic conditions sa rehiyon.