Nakatakdang mamahagi ang Philippine Coast Guard (PCG) ng halos 2,000 improvised floating device na makakatulong sa rescue missions sa panahon ng bagyo.
Ang nasabing device na tinaguriang “salbabote” ay mula sa Spanish based Filipino word para sa lifesaver na salbabida at isinama ang salitang bote.
Gamit ng salbabote ang apat na walang lamang 1.5 liters ng bote ng softdrinks na pangunahing component ng kada isa ng nasabing improvised flotation device.
May strap ang naturang device para magamit ng life vest na maaaring isuot sa leeg at baywang.
By Judith Larino
Photo Credit: Meralco