Hiniling ni Cong. Joey Salceda sa Pangulong Rodrigo Duterte na magpatawag ng special session ng Kongreso.
Ipinadaan ni Salceda na syang chairman ng house ways and means committee kina House speaker Allan Peter Cayetano at Majority leader Martin Romualdez ang kanyang kahilingan sa pamamagitan ng isang liham.
Layon anya ng special session na makagawa ng mga panuntunan ang Kongreso upang mabigyan ng mas malawak na kapangyarihan ang Pangulong Rodrigo Duterte na tugunan ang problema sa coronavirus disease 2019 (COVID- 19).
Iminungkahi rin ni Salceda na amyendahan ang house rules upang bigyang daan ang virtual session assembly at botohan bilang pagsunod sa social distancing measures laban sa COVID- 19.