Kumbinsido si Albay Congressman Joey Salceda na nakahanda na ang bansa sa magiging resulta kung sakaling alisin na ang enhanced community quarantine (ECQ).
Ayon kay Salceda, pinag-aralan nya ang lahat ng aspeto ng pagtanggal sa quarantine sa tulong na rin ng mga eksperto sa ekonomiya at mga siyentipiko.
Nakita anya nila na handa na ang publiko at ang mga institusyon sa bansa sa anya ay up’s and down’s na dala ng epidemya.
Sa kabila nito, iminungkahi ni Salceda ang localized lockdowns na anya ay dapat pamaalaan ng local government units at hindi ng mga barangay.
Dapat rin anyang magpatuloy ang mga nakagawian nang paghuhugas ng kamay, social distancing at pagsusuot ng facemasks.
Sinabi ni Salceda na dapat ding magtuloy-tuloy ang pagpapalakas ng testing, tracing at treatment capacity ng bansa.