Ibinabala ni House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda ang pagpapasara sa POGO o Philippine Offshore Gaming Operators.
Sinabi ni Salceda na hindi maaaring mag negosyo sa bansa ang POGO nang hindi nagbabayad ng buwis.
Batay sa House Bill 5267 ni Salceda, limang porsyento ang ipapataw na franchise tax sa POGO at aabot sa 20 billion pesos ang kikitain dito ng gobyerno sa loob ng isang taon.
Target din ng panukala ni Salceda na singilin ng witholding tax ang mga empleyado ng POGO kung saan inaasahang makakalikom naman ng 24 billion pesos sa loob din ng isang taon.
Samantala nasa isang bilyong piso naman ang dapat na singiling corporate income tax sa mga service providers ng POGO licensee.
Noong 2017, nasa 175 million pesos ang nako kolekta ng BIR mula sa mga POGO, 579 million pesos noong 2018 at mula nitong Enero hanggang Setyembre ay pumapalo lamang sa 1.8 billion pesos.