Nais ni House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda na sampahan ng kasong criminal ang abusadong rice traders na nagiging dahilan ng pagsadsad ng presyuhan ng palay.
Ayon kay Salceda, posibleng maharap sa kasong economic sabotage, price manipulation at unjust enrichment ang mga rice traders na nag mamanupula ng presyo.
Nasisisi aniya ang rice tarrification law gayong maganda naman ang intensiyon.
Una nang bumagsak sa P7 ang kada kilo ng palay sa Nueva Ecija dahil sa maraming ani at bulto ng importasyon dahil sa rice tarrification law.