Naniniwala si House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda na posibleng mga sindakato ang nasa likod ng pagpasok sa bansa ng P28.6-B cash.
Ayon kay Salceda, maaaring sindikato ito na may kaugnayan sa illegal na droga, terorismo, money laundering at Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).
Sinasabing ipinasok umano sa bansa ng Singapore group, Hong Kong group, Chinese groups at Rodriguez group na una nang pinangalanan ng Bureau of Customs (BOC).
Nagpahayag din ng pagkabahala ang mambabatas kaugnay sa ulat na binibigyang proteksyon pa umano o iniiskortan ng mga miyembro ng PNP, AFP at airport police department sa MIAA ang mga nasabing grupo.
Dagdag pa ni Salceda, pinapasok ng Bureau of Customs (BOC) ang nasabing halaga dahil idineklara ito para pampuhunan sa bansa.
Ngunit hindi umano alintana ng ahensya na ito ay napakalaking halaga.
Batay sa batas kailangan lamang ideklara ang halaga na sobra sa $10,000 bago ito maipasok sa isang bansa.