Iginiit ni Albay 2nd District Congressman Joey Salceda na isailalim sa isang linggong lockdown ang Metro Manila upang hindi na kumalat pa ang 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Itoy matapos umabot na sa 24 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Salceda, lahat ay suspek sa tuwing mayroong epidemya kaya’t mahalagang magkaroon ng isolation shock.
Tama lamang anya ang ginawang pagsuspinde ng pamahalaan sa klase sa lahat ng antas sa Metro Manila subalit kailangang palawigin pa ito sa pamamagitan ng lockdown.
Kabilang dito ang pagtigil muna sa trabaho sa loob ng isang linggo at walang biyahe ng mga bus at eroplano.
Mahalaga anya na manatili muna sa kanilang mga tahanan ang mga tao para makaiwas na mahawa sa virus.
Wala naman tayong magagawa, talagang papasok ‘yan, e, di, harapin na natin. Gawin mo, para hind imaging viral –hindi ‘yung viral, kaya gagawin mo. ‘Yung virus ba ang magdedecide para sa atin? TIngnan mo kung ano ang ginawa ng virus sa isang country. Dahil nandito na rin ‘yan sa atin, ano ang pwedeng gawin natin? Gawin mo na ngayon. (…) Kung ang tawag nila ‘premature’, ang tawag ko ro’n –‘preemptive’,” ani Salceda. —sa panayam ng Ratsada Balita