Umalma si House Committee On Appropriations Vice Chairman Joey Salceda sa umano’y mga problema sa final version ng pambansang pondo.
Magugunitang una nang sinabi ni Salceda na mayroong mga pagkakaiba sa inilaang pondo ng kamara at senado sa Department of Health (DOH), Department of Transportation (DOTr) at Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sa budget ng DOH, P88.92-billion ang alokasyon ng kamara, pero P100.49-billion naman sa Senado.
Ang DOTr naman ay binigyan ng pondo ng Kamara na P146. 04-billion na mas mataas kumpara sa P120.32-billion ng Senado, habang ang DPWH ay mayroong P529.75-billion na pondo na inaprubahan ng Kamara samantalang nasa P536.58-billion naman sa mga senador.