Nagkasundo ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ang malalaking mall operators na gawin lamang ang sale tuwing weekends.
Ayon kay MMDA General Manager Tim Orbos, layon nitong maiwasan ang sobrang bigat na daloy ng trapiko ngayong holiday season.
Batay sa napagkasunduan, paiiralin lamang ang sale simula alas -12:01 ng hatinggabi ng Sabado na tatagal hanggang alas-11:59 ng Linggo.
Epektibo ito simula Oktubre 21 hanggang ng Enero 9.
Ipinabatid ng MMDA na karaniwang nagkakabuhol buhol ang daloy ng trapiko tuwing Biyernes kung saan kalimiting unang araw ng sale ng mga mall na natataon sa uwian ng mga empleyado at biyahe ng papauwi ng probinsya.
By Ralph Obina