Inaprubahan ng Boracay Inter-Agency Task Force (IATF) ang saliva test bilang alternatibo sa nasopharyngeal swab test na isa sa mga kinakailangan para makapasok ng Boracay.
Ayon sa Tourism Department, welcome sa kanilang ahensya ang pag-apruba sa naturang alternatibong uri ng testing.
Dagdag pa ng Tourism Department na handa ang ahensya na pondohan ang RTPCR o gene expert machine oras na ipanukala ito ng malay local government unit.
Mababatid na ang naturang saliva testing ay dapat isaga ng Philippine Red Cross at testing laboratories na lisensyado ng ilang kinauukulang ahensya ng gobyerno gaya ng FDA at Health Department.
Bukod pa rito, inirekomenda rin ng Tourism Department sa pamahalaan na huwag pagbawalang makapasok ng Boracay ang mga kabataang nasa edad 15-taong gulang pababa at 65-taong gulang pataas basta’t mga may mga valid plane ticket ang mga ito.
Ito’y dahil nasa ilalim naman ng modified general community quarantine (MGCQ) ang Boracay.
Sa huli, nanawagan ang Tourism Department sa publiko na mahigpit na sundin ang mga umiiral na health protocols kontra COVID-19.