Malaki ang tiyansang magamit ang saliva test para mabilis na madetect ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon ito kay Health Secretary Francisco Duque III sa gitna na rin nang ginagawa nilang validation hinggil dito dahil nais nilang matiyak na accurate ang sadyang makatutulong ang saliva test tulad ng swab test para malaman kung may COVID-19 ang isang tao.
Una nang inihayag ni Senador Richard Gordon, chairman ng Philippine Red Cross, na kaagad nilang iaalok ang saliva test kapag nagbigay na ng go-signal ang gobyerno hinggil sa paggamit nito, unang-una sa Metro Manila.
Mas mura rin aniya ang saliva test na nasa halos P2,000 lamang o mas mababa pa at makalipas ang tatlong oras ay makukuha na ang resulta nito.