Pabor si Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin ang saliva COVID-19 test sa bansa.
Ito ang iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang naging ulat sa bayan kagabi kasunod na rin ng naging pahayag ni Philippine Red Cross Chairman at Senator Richard Gordon na 99.9% nang acurate ang saliva test sa ibang bansa.
Ayon pa kay Pangulong Duterte, dapat itong gamitin ng Pilipinas dahil bukod mas mura ito ay mas madali rin aniya ang pagproseso ng saliva COVID-19 test kung ikukumpara sa isinasagawang testing ngayon sa bansa kung saan kinakailangan pang may ipasok sa ilong at lalamunan ng mga nagpapa-test.
Everytime na kinakalikut yung ilong ko nag mumura ako kasi masakit. Pero may bago raw, sabi ni Gordon na ang swabbing sa saliva ay 99 percent. O ‘di yan ang gagamitin natin,” pahayag ng Pangulo