Dapat bukas sa komento ng publiko ang SALN o Statement of Assets, Liabilities and Net worth ng mga opisyal ng gobyerno.
Reaksyon ito ni senador Risa Hontiveros matapos isulong ni Ombudsman Samuel Martires ang pagpapataw ng multa sa mga indibidwal na magsasalita laban sa SALN ng public officials.
Binigyang-diin ni Hontiveros na ang SALN ay isang public document, kaya’t dapat ay bukas din ito sa komento ng mamamayan kahit pa mula sa mga nagtatrabaho sa gobyerno.
Mahalaga aniya ang SALN sa imbestigasyon ng mga kaso ng katiwalian sa gobyerno.