Nakatakdang ilabas ng Malakaniyang ngayong buwan ang mga ginastos ni PCOO Asst/Sec. Mocha Uson sa kaniyang mga biyahe sa loob at labas ng bansa.
Ayon kay PCOO Asst/sec. Kristopher Ablan, ilalabas din nila ang mga naging accomplishment ni Uson sa kaniyang mga naging biyahe bilang bahagi ng FOI o Freedom of Information na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Magugunitang nagpalabas din ng kautusan ang Pangulo na nagbabawal sa mga opisyal at kawani sa sangay ng ehekutibo na bumiyahe sa labas ng bansa bilang bahagi ng kaniyang kampaniya kontra katiwalian.
Kasunod nito, inihayag din ni ablan na pinag-aaralan na rin ng FOI Committee na awtomatikong ilabas ang mga SAL-N o Statement of Assets, Liabilities and Networth ng Pangulo at mga miyembro ng gabinete nito.
Paliwanag ni Ablan, ang mga dokumentong ito aniya ang madalas hingin ng publiko kaya’t napagpasyahan nilang ilabas na ito sa ngalan ng transparency and accountability ng sangay ng ehekutibo.
Posted by: Robert Eugenio