Isusulong ni presidential aspirant at dating senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na gawing mas bukas sa publiko ang statement of assets, liabilities and net worth o s.a.l.n. ng mga opisyal ng pamahalaan, sakaling manalo bilang pangulo.
Inihayag din ni Marcos sa panayam ng one news kamakailan na handa rin niyang isapubliko ang kanyang SALN bilang isang government official.
Gayunman, ibinabala ng dating Ilocos Norte Governor ang posibilidad na magamit ng ilang tiwaling grupo ang mga opisyal na dokumento para sa pamumulitika tulad ng nangyari kay yumaong chief justice renato corona.
Taong 2012 nang mapatalsik sa pwesto sa pamamagitan ng impeachment si corona dahil sa kanya umanong kwestyonableng SALN.
Mahalaga anyang masuri at matiyak na ang motibo sa pagkuha ng kopya ng saln ay hindi magagamit sa masama o pamumulitika.
Iginiit ni marcos na kung talagang may kaso ay dapat dalhin ito sa ombudsman at ipaubaya sa mga tamang otoridad ang imbestigasyon, kabilang na ang pagsasapubliko o pagsilip sa SALN.