Ipinauubaya na ng Palasyo sa Office of the Ombudsman kung ilalabas ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang tugon ni Presidential Spokesman Harry Roque sa hamon ni Vice President Leni Robredo na ilabas ang SALN ng Pangulo upang patunayang transparent ito at walang bahid ng korapsyon.
Ayon kay Roque, nananatiling malinaw ang paninindigan ng punong ehekutibo na ipaubaya sa tanod-bayan ang issue bilang independent constitutional body.
Sumusunod naman aniya si Pangulong Duterte sa constitutional duty nitong magsumite ng SALN.
Pinayuhan naman ni Roque ang mga interesado sa SALN ng Pangulo na lumiham sa Office of the Ombudsman at mag-request ng kopya.—sa panulat ni Drew Nacino