Maaari nang magbalik-operasyon ng 30% ng kanilang kapasidad ang mga beauty salons at barbershop simula sa ika-7 ng Hunyo.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, batay sa Inter-Agency task Force (IATF) resolution no. 41, aakyat pa ito sa 50% ng kanilang operating capacity makalipas ang dalawang linggo hanggang sa ito ay maging 100% matapos ang tatlong linggo.
Gayunman, nilinaw ni Roque na limitado pa rin ang mga serbisyo maaaring ialok ng mga ito.
Hanggang paggugupit lamang umano ng buhok habang hindi pa rin pwede ang mga facial care, manicure o pedicure at iba pa.