Masasaksihan na mamayang hapon ang salpukan sa huling pagkakataon ng UST Growling Tigers at FEU Tamaraws sa Game 3 ng UAAP Season 78 Men’s Basketball Championship.
Matapos makuha ang panalo sa game two, target ngayon ng UST na ideretso ang panalo upang tuluyang masungkit ang inaasam na kampeonato.
Nangako ang tinaguriang big 3 ng UST na sina Kevin Ferrer, Karim Abdul at Ed Daquiaog na kanilang ibibigay lahat para sa laban mamayang hapon.
Ayon sa tatlo, wala na silang ititira at wala na ring itatagong lakas para matalo ang FEU.
By Ralph Obina