Hindi matutuloy sa Biyernes ang pagdepensa ni World Boxing Organization (WBO) Bantamweight Champion na si John Riel Casimero sa kanyang titulo kontra kay Paul Butler ng United Kingdom.
Ito ay matapos madiskubre ng British Boxing Board of Control na gumamit ng sauna ang Pinoy champion para mabilis na makuha ang timbang sa darating na laban.
Kung kaya’t pinatawan ng WBO ng show-cause order si Casimero upang magpaliwanag sa pangyayari.
Samantala, nagdesisyon ang organisasyon na ipalit sa laban kontra kay Butler ang isa pang Pinoy bantamweight contender na si Jonas Sultan at ang magiging laban nila ay para sa Interim WBO Bantamweight Title.