Pinatutustusan ni Senador Ralph Recto sa gobyerno ang ‘saltwater lamp’ na inimbento ng Pinay engineer na si Aisa Mijeno.
Ito’y sa pamamagitan ng paggamit ng pondo mula sa Malampaya royalties na umabot na sa P168.9 bilyon.
Ayon kay Recto, hindi na kailangan pang humingi ng ehekutibo ng pondo sa Kongreso dahil marami naman silang mga ‘off-budget’ tulad ng Malampaya royalty remittances.
Ang tinutukoy nito ay ang share ng gobyerno sa produksyon ng Malampaya natural gas field off sa Northern Palawan.
Sa kasalukuyan, umaabot sa P168.9 bilyon ang outstanding balance ng Malampaya funds.
Nauna rito, nanawagan si Mijeno na suportahan ang imbensyon para makapag-mass produce sila nito.
By Mariboy Ysibido