Umapela si Court of Appeals Associate Justice Japar Dimaampao sa mga kapwa Maranao na ayudahan ang kanilang mga kababayang naiipit sa gulo sa Marawi City.
Ginawa ng mahistrado ang pahayag makaraang kanselahin nito ang taunang salu-salo na kaniyang inihahanda tuwing sumasapit ang Eid’l Fitr o ang pagtatapos ng banal na buwan ng Ramadan.
Sa halip, ginamit ni Dimaampao ang inilaan niyang pondo para itulong sa mga kababayan niyang bakwit mula Marawi na kasalukuyang nanunuluyan ngayon sa evacuation centers.
Napakalapit ng puso ni Justice Dimaampao sa mga taga-Marawi dahil duon aniya siya isinilang, lumaki at nahubog ang kaniyang kamalayan.
By: Jaymark Dagala
Salu-salo sa Eid’l Fitr kinansela ni Court of Appeals AJ Dimaampao was last modified: June 27th, 2017 by DWIZ 882