Magkakaroon ng “salubong” bukas para sa pagbubukas ng MSU o Mindanao State University na nasa Marawi City.
Hiwalay ang gagawing programa para sa halos 1,000 estudyante ng MSU na hindi Maranao samantalang balik-eskwela program rin ang isasagawa para naman sa mga Maranaw-Muslim na mag-aaral.
Upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante, naglagay na ng dagdag na puwersa ang Philippine Army gayundin ang Philippine National Police o PNP.
By Len Aguirre