Nilinaw ng aktor na si Sam Milby na matalik lamang silang magkaibigan ni Angelica Panganiban.
Ito ay sa gitna na rin ng mga panunukso sa dalawa na tila higit pa sila sa magkaibigan lalut pareho silang single.
Ayon kay Sam, sobrang close lamang sila ni Angelica at madalas talagang magbiruan.
Sa katunayan aniya ay ipinopost pa ni Angelica sa kanyang Instagram account ang biruan nilang dalawa na kunwari ay sobrang sweet sa isa’t isa.
A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on
Dagdag pa ni Sam, ini-enjoy lamang nila ni Angelica ang kanilang pagkakaibigan.
Gayunman sinabi na Sam na hindi naman niya isinasara ang posibilidad na maging more than friends sila ni Angelica sa hinaharap pero sa ngayon mas masaya aniya sila bilang magkaibigan.
—-