Matipid pa rin ang sagot ng aktor na si Sam Milby sa usap-usapan kung nalalapit na din ba siyang ikasal.
Ayon kay Sam, masaya siya ngayon sa relasyon niya sa nobyang si Mari Jasmine.
Aminado ang aktor na hindi naman siya nagmamadali na lumagay sa tahimik pero umaasa na balang araw ay matutupad din ito.
Bagaman halos lahat ng taong nakapaligid sa kanya ay mayroon ng asawa, hindi anya ito dahilan upang ma-pressure siya na magpakasal.
Dagdag ni Sam na magdiriwang ng kanyang ika-33 kaarawan sa Mayo 26, sa oras na maramdaman na niya ang “tamang panahon” at tamang tao ay tsaka siya magdedesisyon.
Sakali namang handa na siyang magpakasal, nais ng Kapamilya Star na maging pribado ang proposal na gagawin niya.
By Drew Nacino
Photo Credit: Sam Milby Instagram Account