Nag-isang dibdib na sina Sam Pinto at ang long time boyfriend nito na si PBA player Anthony Semerad, kahapon, Marso 8.
Ginanap ang simpleng seremonya ng kasal sa rooftop ng Conrad Manila sa Pasay City kung saan matatanaw ang Manila Bay.
Dinaluhan lamang ng ilang pangunahing kamag-anak at kaibigan ng mag-asawa ang kasalan dahil plano ng couple na muling magpakasal sa Disyembre ngayong taon kung saan makadadalo na ang ilang pa nitong mga mahal sa buhay at kaibigan.
Magugunitang, naging magkasintahan ang dalawa noong 2018 at na-engaged noong Agosto taong 2019.—sa panulat ni Agustina Nolasco