Malaki ang tiyansang maging bagyo ang namataang LPA o Low Pressure Area.
Ayon sa PAGASA o Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang nasabing LPA ay tinatayang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas, Huwebes Santo.
Sakaling magpatuloy sa iisang direksyon, sinabi ng PAGASA na maaapektuhan ng LPA ang Mindanao at eastern Visayas at tatama sa lupa sa eastern Visayas o Bicol sa Sabado de Gloria at Linggo ng Pagkabuhay.
Samantala, patuloy na nakakaapekto ang ridge ng high pressure area (HPA) sa bahagi ng Luzon habang easterlies naman ang umiiral sa bahagi ng Visayas at Mindanao.
By Judith Larino
Sama ng panahon inaasahang papasok sa PAR bukas was last modified: April 12th, 2017 by DWIZ 882