Naging bagyo na ang sama ng panahon na una nang namataan sa silangang bahagi ng bansa.
Ayon ito sa Japan Meteorological Agency, bagamat ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ay nananatili itong Low Pressure Area (LPA).
Sinabi ng PAGASA na patuloy nilang binabantayan ang nasabing LPA na inaasahang lalakas pa sa papasok ng PAR o Philippine Area of Responsibility bukas, araw ng Biyernes.
Ipinabatid ng PAGASA na nakakaapekto na ang extension ng naturang LPA sa Eastern Mindanao subalit higit na makakaapekto sa Bicol at Visayas Areas.
Sakaling tuluyang pumasok sa PAR, papangalanan itong Nonoy na magiging ika-14 nang sama ng panahon sa taong ito.
By Judith Larino