Magdadala pa rin ng ulan sa ilang bahagi ng bansa ang ulap na nakapaligid sa paparating na bagyo sa silangang bahagi ng bansa.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), bagamat malabong magkaroon ng direktang landfall, mahahatak naman ng sama ng panahon ang ulan na maaaring maranasan sa kalagitnaan ng linggong ito.
Kabilang sa posibleng maapektuhan ng ulan ang Northern Luzon lalo na kung lalakas pa ang bagyo.
Inaasahang papangalanang Butchoy ang nasabing bagyo kapag nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
By Judith Larino