Magkakaloob ng 2 hanggang 3 milyong piso ang samahan ng mga Pilipino at Tsino sa mahigit 20 mangingisdang sakay ng bangkang nabangga umano ng isang Chinese Vessel sa bahagi ng Recto Bank sa West Philippine Sea
Ayon kay Dr. Henry Lim Bon Liong, Pangulo ng FFCCCII Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry Incorporated, nakipag-ugnayan na sila kay Defense Secretary Delfin Lorenzana kung paano makakausap ang mga mangingisda at malaman kung ano ang kanilang pangangailangan
Nais nilang tutukan ngayon ang kabuhayan ng mga biktimang mangingisda matapos ang trahedyang sinapit nila mula sa kamay ng mga Tsino kaya’t handa silang tumulong para sa rehabilitasyon ng mga ito
Gayunman, nilinaw ni Lim Bon Liong na ang ginawa nilang pagtulong ay hindi pag-ako sa pananagutan sa nangyaring insidente bagkus ito’y tugon na rin sa mga Pilipino na itinuturing na kaibigan ng mga Tsino na narito sa Pilipinas