Pabor ang samahan ng provincial governors sa naging direktiba ni Cebu governor Gwen Garcia na gawing optional ang pagsusuot ng face mask sa lalawigan.
Ito ayon kay Marinduque governor Presbitero Velasco, pangulo ng League of Governors of the Philippines ay nakabatay sa local autonomy ng provincial governments.
Gayunman, nilinaw ni Velasco na mayroon pang pandemya at tanging ang IATF ang susundin ng local government officials kaugnay sa usapin ng COVID-19 na hindi pa rin naman aniya nawawala.