Panibagong black eye sa gobyerno ang pagdukot sa 3 dayuhan at 1 Pilipinas sa Samal Island Resort.
Binigyang diin ito ni Senador Francis Escudero kaya’t dapat gawin ng gobyerno ang lahat ng paraan para mabawi ng ligtas ang mga biktima.
Umaasa si Escudero na hindi matutulad ang insidente sa mga nakaraang kidnapping incidents sa Mindanao kung saan tumagal ng maraming buwan bago na-rescue ang mga dinukot.
Tiwala aniya siyang hindi hahantong sa pagbabayad ng ransom ang nasabing kidnapping incident.
By Judith Larino | Cely Bueno (Patrol 19)