Isinailalim na sa State of Calamity ang lalawigan ng Samar matapos ang pananalasa ng bagyong Jolina noong Setyembre 6 hanggang 7.
Ayon sa Provincial Government, aabot sa kabuuang P294 milyon ang halaga ng pinsala na binubuo ng P199 milyon sa sektor ng agrikultura at P95 milyon sa non-government infrastructure.
Tinaya naman sa P13,100 kabahayan ang napinsala ng bagyo.
Magugunitang nag-landfall ang bagyong Jolina sa bayan ng Sto.Niño.—sa panulat ni Drew Nacino