Iginiit ni Sen. Christopher “Bong” Go ang kanyang pagtutol sa imbestigasyon ng International Criminal Court’s (ICC) sa umano’y nagawang krimen dahil sa drug war noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa senador, walang hurisdiksiyon ang ICC at hindi dapat panghimasukan ang internal matters ng bansa na mayroong matatag at independent judicial system.
“Probes into the war on drugs are presently being conducted by competent authorities. Ibig sabihin, may tiwala naman po ako sa ating local judicial system at ang mga Pilipino should be judged by fellow Filipinos before Philippine courts operating under Philippine laws,” ayon kay Go.
Sinabi ni Go na kung mayroon mang nararapat na mag-assess ng naging kampanya ng pamahalaan kontra illegal drugs, iyon ay ang sambayanang Pilipino.
“Alam n’yo, ang Pilipino po ang dapat humusga kung mas nagiging ligtas ba sila kumpara noong hindi nasimulan ang kampanya laban sa iligal na droga,” dagdag ni Go .
Sinabi ni Go na tapos na ang panahon na ang bansa ay nadidiktahan ng mga banyaga sa kubg paanocang pamamaraan ng pamamahala.
Una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na tatapusin na ng kanyang administrasyon ang pakikipag-interakayon sa ICC.
Ito ay matapos ibasura ng ICC ang apela ng gobyerno na humihiling na ihinto ang imbestigasyon hinggil sa human rights abuses ng “war on drugs” ni Duterte.
“That’s it. We have no appeals pending. We have no more actions being taken. So, I suppose that puts an end to our dealings with the ICC,” ayon kay Marcos.
Sinuportahan din ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang pasya ni Pangulong Marcos at sinabing walang ipadadalang kinatawan ang bansa sa proceedings ng international tribunal.
Binatikos din ni Remulla ang ICC sa hindi nito pagrespeto sa soberanya ng Pilipinas.
“Nagpapasalamat rin po ako sa ating mahal na Pangulong Bongbong Marcos… sa sinabi niya po na his administration would end further engagement with the International Criminal Court after it rejected the Philippine government’s appeal,” pahayag pa ni Go.
Ayon pa kay Go, noon pang panahon ni Dutertte ay nag-withdraw na ang bansa sa Rome Statute.