Ganap nang batas ang same sex marriage sa bansang Ireland.
Ayon sa tanggapan ng pangulo sa Ireland, nilagdaan na bilang batas ng Presidential Commission ang Marriage Bill 2015.
Bumoto ang Ireland ng 62.1 percent pabor sa pagpapahintulot na ikasal ang dalawang tao kahit pa ano pa man ang kanilang kasarian o kung sila ay nabibilang LGBT community.
Emosyunal naman ang gaya ni Senadora Katherine Zappone na matagal na ring nangangampanya para kilalanin ng Ireland ang kanyang kasal sa asawang babae.
Sinabi ni Zappone na isang tagumpay itong maituturing di lamang niya kundi ng buong bansa ng Ireland.
By Ralph Obina